first day high na may ligawan ever..
boy: hello po(sana magreply ka)
girl: cnu po cla (who the hell are you)
boy: ako yung seatmate mo knina na humingi ng number mo (hindi mo ba ako maalala? ako kase hindi kita makalimutan simula nung makita kita =) )
girl: ahhhh hehe (ahhhh yung cute)
boy: oo hehe kamusta? (baka namiss mo ko)
girl: ok lang kaw? (miss na kita =”>)
boy: ok lang din hehe (hayyyyyy =) sana namiss nya talaga ako)
usapang mag ex…
B: hello (mis na mis na kita)
G: hi (mis na mis n kita mis mo din kaya ako?)
b: musta? (ok k lang ba? masaya ka ba sa piling nya hindi ka b nya sinasaktan? pinapahirapan?)
g: ok nmn kaw? (may gf knb?)
b: ohh ok nmn ok lang hehe…(sana akin ka na lang.. ulit..)
g: that’s good, cge gtg (sana ako p rin..)
b: ay cge ingat :) (mahal p rin kita.. :’( )
g: ay cge tnx… (ikaw p rin.. =( )
bagong boylet ulet?! (pcnxa na ang haba po ng blog ko…)
nung minsan nasa mall ako ksama si babe…
may nakita akong friend ko.. sabi ko
v: uy friend, si babe boyfriend ko..
f: siya ba yung pinakilala mo skin b4?
v: hindi hindi sya.. ka church ko ito(sa gantong term kase mas maiintindihan nung iba)..
hmmmm so ako go diretso lakad.. napaisip lang ako baka nagmumuka na akong play girl sa harap ng iba.. well hindi ko rin alam kung baket.. pero panigurado ako may mas nkalagpas pa sa number ng nkarelasyon ko.. yes tama.. kase ganto yon if gusto nyo lang malaman wala lang share share lang since bakasyon naman eh mkibasa po kayo hehe kung gusto nyo lang naman.. kung susumahin 8 ang minahal ko.. pero 5 lang naging boyfriend ko dun.. yes oo lima.. may hihigit pa ba? syempre meron.. bakit hindi nag work yung 7? kase ganto:
boy1:yung una, naging MU kami for almost a yr, then naging kami ng 8.5 months.. nkipgbreak ako kaseee mejo hindi ko kineri yung pagiging seloso nung tao (well alam nya naman yun aminado naman sya na seloso sya hahah pero friends kmi ngayon) so yun nga seloso sya then gusto kong i-prioritize yung pag-aaral, you know mag-aral much hahaha, at isa rin sa problema is religion issue, then yun nga so nkipagbreak ako.. then ng transfer ako nun ng skul mag thi-3rd yr ako nun (yes opo maaga akong nag boypren)
boy2:then pagkalipat ko s bagong skul-skulan may lumapit first day hello daw.. ako naman ah hello din.. so ilang buwan gusto nya daw manligaw, ako yoko pa sana kase parang napa trouble ako saknya kaso pumayag na rin ako eh di go, so ayun pumayag ako bglang may nakitang magandang girl etong si manliligaw, sabi nya stop n daw xa manligaw kase ayaw nya pa magka gf, so ako, ha? bkit sinabi ko n bang sasagutin ko xa.. (pero nahulog na ako sknya that time) so ako isang araw nalaman ko ayun nga may gusto n syang ligawan na iba, nun nalaman ko na shock ako ng bonggang bongga na as in boom, nag explode ako napa iyak ako s gym sa skul, ang masama p nito nakita ako nung guy sinusuyo p ako sino daw nagpa iyak skin, nkakaloka.. kung alam ko lang na mkikita ako sana di ko ginawa yun… pero wag ka nkatulong naman in 3 days move on ako sinabayan ko pa ng biglang pagputol sa mahaba kong hair hahahah! (yes effective i try nyo din baka sakaling makatulong sa inyo mkpag move on)
boy3:eto biglaan lang nakakagulat lang, matagal ko n syang friend friend, ngulat ako minsan nagtxt, may nakasabayan syang manligaw sakin si boy5 (pero mamaya malalaman nyo kung sino si boy5 at kung bakit pang 5 sya) so yun nga mas matagal nang nanliligaw si boy 5 gusto nya tlga ako second yr pa lang kami nung boyfriend ko pa si boy1, kaso yun nga crush nya kase ako nuon pa, so yun nga si boy3 bglang txt nung araw na yun.. sabi nya pwede manligaw? so ako nbgla friend kami nangangamusta tas bglang ligaw so ako nabgla ako… kingabihan nangungulit sya sagutin ko n daw sya.. so ako hala bat ganto to (sa isip isip ko hindi ko matanggihan dhil dati ko syang crush, eto ang nagpagawang babae skin boyish kase ako nuon, hindi nya lang alam n crush ko sya) so ayun na ngungulit sya sagutin ko na sya ayaw akong tantanan which is si boy 5 eh dapat sya yung mananalo, kaso nagkatalo sa religion, si boy 3 ka religion ko, si boy 5 hinde, so ako wala akong nagawa kundi sgutin si boy3 dahil baka magkasala nanaman ako kung si boy 5 ang sasagutin ko, so since sinagot ko na si boy3 eh does not mean na mahal ko na sya, aksidenteng na inlove naman ako kay boy4, nagpa prctc lang nmn kase ng syaw tas bglang ganun, actually nauna naman nainlove skin si boy 4 bago ako, kaso yun nga sbi ko hindi rin kami pwede kase kawawa si boy3, hindi ko alam bat ang hirap iwasan palibhasa kase kaklase ko then maghapon kong ksama samantalang si boy3 once a month ko lang nakikita, pero in the end pinili ko si boy3, inamin ko naman sknya yung totoo, nagalit sya pero hindi na namin pinansin si boy 4, nung araw na sabi ko kay boy4 na tama na, sabi nya “siguraduhin mong hindi ka nya lolokohin, kase sayo ako magagalit dhil pinili mo sya at hindi ako”, so nagkatotoo ang sinabi nya, nanligaw si boy3 ng ibang girlash at kaibigan ko pa, buti di pumayag si kaibigan pero si boy 3 gusto nya talaga si kaibigan, hanggang sa dumating sa point na si boy3 ang nkipagbreak so ako siguro balik din skin yon dhil niloko ko sya before or what hindi ko din alam pero kinekeri keri ko n rin..
after 2 months tpos na ang sembreak (4th yr na ako nito then bumalik din ako pagka 4th yr ko sa tunay kong skul, bali nag 3rd yr lang ako dun sa skul kung saan andun si boy2 at boy4)
boy5: pagbalik ko sa aking pinakamamahal sa alma mater eh naging kaklase ko si boy 5 pero yung pagbalik ko kami pa ni boy3 nito, kagitnaan n lang ng skul yr or before mag sem break kami nag break (ba yun break break pa ulet ulet?), so yun nga udyok ng damdamin? hahah nkakaloka damdamin talga? haha naging comfort zone ko si boy5 kasama ang bakla kong kaibigan sa break-up nmin ni boy3, eh eto si bakla makatulak wagas, nainlove kmi sa isa’t isa, sa isip-isip ko eto na talaga to this is it! so ako naman si gaga haha akala ko this is it na nga talaga, kase talagang lagi kaming magkasama araw araw malamang classmate ko eh hahaha dumating yung time n hindi na kami nagkaunawaan at naging issue na din talaga ang religion, hanggang sa sya yung nkipagbreak, inamin nya naman naduwag sya pero binigay ko naman ang gusto nya, tpus natuto ako uminom hahah salbaheng bata, yes mejo nahirapan ako sa break-up kase parang greatest love of all ganun yung dating pero luckily kineri ko naman kase dumating si boy7..
may missing link ba? haha yep si boy 6 nawawala..
boy6: eto ewan ko kung keme kemehan o kalokahan mukang tanga lang hahahha peace yow baka mabasa nya rin toh eh, pero yun nga friends friends lang kami nito hindi ko naman ba alam kung bkit napadikit ako sa taong toh pero saglitan lang hindi naman kmi umabot sa ligawan kase nga boyfriend ko si boy5, pero siguro infatuation lang yun, pero kase nasktan ako nung bglang di nya ako pinansin pero yun nga hindi rin naman kami nagka aminan ng nararamdaman para sa isa’t isa..
boy7:si boy7 nandyan na sya nung ngbrk pa lang kami ni boy5 so sya din yung naging kau kausap ko tungkol kay boy5, hanggang sa napansin ko nag eenjoy n lang kami magksama magkabonding hanggang sa nahulog n din kami, sa lahat nman ng nkilala ko, sya yung super concern sa lahat ng bgy hindi nya ako pinabyaan, parang napakalaki nung pagmamahal na binibigay nya, tpus ung skin hindi ko masuklian kung gaano kalaki ang ung binibigay nya, pero hindi yun ang dahilan ng break-up, just a snap n lang na kailangan ko nang magbago kase hindi ko na nararamdaman yung buhay na meron ako nung grade school ako, ung pinakamahalagang bagay parang wala yung presensya, kase religion conflict din kase, so ako gusto kong makabalik dun sa bagay o sitwasyon na meron ako, that’s why nkipagbreak ako at iniwasan ko na xa..
eto this time wala talaga sa plano toh hahahha sumeryoso tayo eh.. si boy8, my bebe, matagal na kaming magkatxt noon, siguro isang taon na, kaso snub ko lang toh dati maittxt ko man minsanan lang.. ktxt ko na xa kami pa ni boy7, so yun nga one time napaisip ako lahat ng problema ko sa taong ito ko lang masasabi kase sya lang yung makakaintindi nun dahil nasa pareho kaming religion, so lahat ng complains, tanung sa utak ko i-kinonfess ko sa taong ito, so tama ako naintindihan nya ako lahat ng gusto kong mrinig eh nrinig ko lahat sknya, so d reason n napunta sa pagiging kami eh hindi talaga planado as in wala.. minsan sabi nya nga “buti n lang nanalo ang dallas” yes! dahil po sa nba na laban ng miami at dallas, eh miami ako at dallas sya, eh nanalo dallas, talo ako sa pustahan namin, so ako manlilibre ng SB, tinaguan ko sya, hahah patay malisya ako na kunware hindi ko alam na nanalo dallas yes ang sama ko hahah, so yun nga nanalo dallas hanggang sa tinext nya ako sabi nya “val nanalo dallas” hahahah ako naman “oo nga eh…” hahah sabay hindi n ngreply… sabi nya bc ka ata, sabi ko oo bc ako pag mejo nakaluwag luwag n lang then yun nga dumating yung time na nag meet kami at hindi ko sya nalibre sya pa ang nanlibre hanggang sa nagtuloy sa ligawan yon, well totoo naman kase syang tao kung anu sya yun tlga yung pinakita nya hindi sya nhhya or what kung anu sya yun sya hanggang sa dinaan ako sa suprises yes.. then yun nkuha nya yung oo ko nung bday nya =) sya din yung dahilan kung pano ko nabalik ko yung buhay na meron ako nung grade school, sa kasalukuyan pareho kaming may duties s church.. =)
tatlong hambog bow…
kanina nasa jeep ako may naksakay akong tatlong hambog…
unang pinag uusapan nila, tungkol sa babae kala mo nman ang popogi mukha namang tambay..
hambog1: o pare ang ganda ng girlfriend mo ah
hambog2: ah talaga..
hambog3: eh di gagastusan mo yan???
h1: anung ako? baka sya ang gagastos..
hambog2: oo ang puti pa nun noh..
buset lang mag usap kala mo ang popogi hampasin ko sila eh
tpos eto pa may pangalawa pa silang pinag uusapan sa jeep kanina… mga panay mahangin nga tungkol sa isang university sa taft…
h1: oo maganda dun sa skul na un pre
h2: oo ung tuition dun mga 75k-105k eh
h3: oo tri-sem dun eh…
halatang social climber kainez mali nman sila sa estimation halatang pa impress sa mga ibang pasehero ng jeep… kala mo ang popogi talaga.. anu yon porket naka sandugo slippers sila? nka shade pa ampuge wala kala cguro nila magmumuka silang mayaman sa porma nila di nila alam ang jolog ng looks nila hampas ko ung sandugo nilang tsinelas sa muka nila eh.. pa impress msyado lalo na yata dun sa babaeng katapat nila mga muka namang squatter… buti pa ung humble na squatter ok eh.. no offense pero mas ok talaga ang mga humble sa squatters. kesa saknila na ang che cheap ng itsura.. kala mo naman un talaga ang basehan sa mundo eh hindi naman.. eh ung mga mayayaman na nakikita ko nga simple lang kung mkpagdamit sila ang jojologs.. muka pang out-of-school.. kainez.. ang jonget na nila pati ugali ang jonget pa!
certified krung krung n rin xa, well basahin mo n lang kung gusto mong malaman haha
certified krung krung si terddy boy…
bakit? kaseeee
1. go nakikipaglaro sya smin ng mga kapatid ko ng pass the message, cherry the apple?at doctor kwak kwak may harot p na ksama… amf…
2. go siyang makipag langit lupa kahit sino kalaro… wala ngang gf gf sknya eh tatayain at tatayain ako.. ba yun….
3. nung nag tetetris ako, ng ako pa lang ang nag tetetris smin hinamon ko sya, olats sya sabi ko ok lang yan may dota k nmn tetris n lang din skin… dumating ang panahon di pinatawad tinalo p rin ako sa tetris..
4. go sa gay lingo nahawa ata skin, kasalanan ko, pero napasobra sya may mga words sya na di ko na mkuha kakaloka…
5. sabi nya dati hindi sya nsayaw, yes sabi nya hindi… pero nung sabi ko na tuturuan ko sya ng hot issue n sayaw aba gayang gaya, sumasayaw nga malala p skin nag booty shake pa hahaha
6. kahit super sinusungitan ko sya nagpapatawa p rin lels… kahit di pa kami bati dumidikit agad amf…
——»» kung di pa kayo maniwala ewan ko n lang haha
bakit may mga taong wala nang makain super sugal pa? bat ganun?
no offense pero aminin.. totoo..
fun? ok for fun…
pero araw-araw?
hindi ata maganda…
imbis na nilalaan ung perang un sa basic needs ng family… tsk tsk
ang mahalin si superman
mhirap mahalin si superman..
sinong superman ba?
un ung mga taong may kailangan iprioritize bago ang mahal nila, kase kailangan sila ng karamihan o kaya mas kailangan silang ng trabaho o pinangarap nila maging sila..
ngayon alam mo na ang taong BUSY…
halimbawa, doctor, artista, volunteer sa kung saan man? nsa pulitika? ewan basta sila ang halimbawa ko..
ang doctor di pwedeng basta basta mkipag date dhil maraming buhay ang nkasalalay sa kanyang kamay
ang artista di pwedeng basta basta umalis dahil may taping, project dito, project dun, shoot dito shoot dun, endorse jan jan jan..
ang volunteer sa kung san mang organization, lalo na pag oras ng kalamidad mas kailangan nyang tumulong sa mga binaha ng bagyo kaya naman mawawalan sya ng oras sayo
ang nasa pulitika, mya mya may gngwa, may interview, may pupuntahang program kase kailangan ng presence nila, mangangampanya, may project dito, may bisitang ganto kaya di pwedeng umalis agad agad… xmpre alam nyo n un..
pero sa kbila ng sobrang kabusyhan nila eh mahal mo p rin sila nalulungkot at nasasaktan ka kasi hindi ka nila priority. well kung ako sayo isa yan sa mga consequence kung bkt mo sila minahal. hindi naman sila ordinaryong tao, may pangalan, posisyon, paninindigan, at higit sa lahat pangarap, mas kailangan nila ang iyong suporta at malalim na pang unawa. mas kakailanganin ka nila dahil ikaw lang makakapagtanggal ng pagod na kanilang nadarama. tama ba?
pero syempre sa part nila mabuti pa rin na kahit papaano ay magkaroon sila ng oras sayo at panahon, at hindi ka ini snub n lang na kinuha kang partner just to say na may partner sila.
ang tao kaya naman magkaroon ng time hindi nga lang marunong magbudget at dun kayo dapat magtulong at magusap kung pano nyo bibigyan ng panahon ang relasyong binuo nyo o baka ipinaglaban pa ng bonggang bongga sa maraming tao, o baka sa parents mo pa na tipong sinuway mo sila at pinili mo ang partner mo…
magigig mahirap pero magtitiis at magtatyaga ka dahil mahal mo tlga… =)
Blue